name="viewport" content="width=device-width, initial-scale=1"meta>" ORL'S NotePad: Bente-Singko (Paskong Tula)

Sunday, September 23, 2012

Bente-Singko (Paskong Tula)





















Ika bente-singko na naman ng Disyembre
Mangangaroling na naman kami sa kalye
Kaya naman ihanda na ang iyong sarili
Kasi andito na kaming mamaskong walang pili.

Lata, tambourine at iba't-ibang pang-caroling
Bato at Baso na may lamang limang piso
Sa bawat pagpadyak at bawat pagkanta
Malalaman niyo na kami ay masaya

Kaya naman. . .

Amin na ang pisong nasa iyong bulsa
At kung kami'y naka 25 pesos na
Wag kang mag-alala
Hahatiin namin itong magbabarkada

Pero sandali lang muna
May hamon ka ba diyan dala?
Kasi naman hindi lang gutom ang aming bulsa
Pati narin ang tiyan ni Botsoy na may luha na sa mata.

Subalit alam naming magpapasko na
Kaya naman, hindi na namin dadalasan itong aming pagkanta
Dahil alam namin na talagang napakahirap t'wina
Ang mamigay ng pera lalo't ika Bente-singko na

No comments:

Post a Comment

Learn with my Failure: Things that you need to Consider when starting a business (Part I)

Last 2018, when my family decided to have our own family business. It's a Glass and Aluminum and Roll-up Door Installation business. But...