name="viewport" content="width=device-width, initial-scale=1"meta>" ORL'S NotePad: The Simbang Gabi Love Story

Thursday, December 15, 2011

The Simbang Gabi Love Story


(Kwentula ni: Orlan Doromal Tabuada Jr.)

Sa tuwing sasapit na ang Disyembre
Hindi ko mapigilang magsaya at ngumiti
Sapagka’t Simbang Gabi na naman
At mabubusog na naman itong matakaw kung tiyan.

Eto talaga ang gusto ko tuwing pasko
Ang maraming pagkain tulad ng bibingka at puto
Kaso nga lang parang merong akong hinahanap
Isang babae na aking mayayakap

Kaya nga, isang araw, may nakasabay akong magandang dalaga
Na talagang, nakakaloko ang beauty niya
Kaya naman, humanap ako ng paraan para makatabi ko siya
Kaya nga lang, ang malas ko, dahil umiba sila ng upuan ng kapatid niya

Inabangan ko siya sa labas ng simbahan
Para naman, makilala ko siya ng lubusan
Kaso nga lang, hindi ko na siya nakita
Baka naman, meron na sa kanya’y kumuha?

Hindi ako nawalan ng pag-asa
Kinabukasan, ay inabangan ko uli siya
Sa wakas! Siya’y narin aking nakita
Kaso nga lang, parang kasama ata ang kuya niya?

Sa panglawang pagkakataon, ako’y umatras
Sapagkat, talagang mahirap
Wrong timing palagi ang aking mga plano
Sana naman bukas, ay mag-isa nalang siya, O’ Diyos ko!

Siguro’y narinig ng Diyos ang aking panalangin
Dahil sa wakas ay mag-isa nalang siyang nanalangin
Kaya naman, hindi ko na inubos ang oras ko sa kakatingin sa kanya
Agad-agad ko siyang nilapitan at kinuha yung number niya

Ang saya-saya ko sa aking nagawa
Dahil sa wakas ay nakausap ko na rin
Yung babae sa aking panalangin
Sana nga lang ay single pa siya, at ready ng makipag mingle

Tinanong ko siya, kung okay lang manligaw sa kanya
Tiningnan lang niya ako at sabay sabing “parang hindi ko pa ata kaya”
Tapos nalaman ko na kabe-break lang pala niya
Sa ex-boyfriend niya, na ayon sa kanya, minahal talaga niya ng sobra.

Ako’y napaupo at napa-isip
Kung ipagpatuloy ko ba o wag na muna
Baka kasi masamain niya
At sabihan pa akong “manhid ka ba?”

Sa bawat simba na kami ang magkasama
Sa bawat hawak ng kamay pag nagsisimula na ang kanta
At sa bawat ngiti na ibinibigay niya
Para bang malalag-lag na puso ko sa kanya

Malapit ng matapos ang simbang gabi
Hindi ko parin sa kanya masabi
Kung anong tunay kung nararamdaman
At kung ano ang sigaw ng puso kung luhaan.

Sa wakas at December 24 na
Handing-handa na akong ipagtapat sa kanya
May dala pa akong bulaklak at tsokolate
Para naman masabi niya, nag effort talaga ang torpe

Habang siya’y papunta ng simbahan
Hindi ko sa kanya pinaalam
Na ako’y nasa kanya lamang likuran
Habang hawak-hawak ang ibinigay kung laruan

Ng nakaabot na siya sa may simbahan
May nakita akong lalaki sa may gasolinahan
Parang may iniintay siya
Sana naman, hindi yung babaeng liligawan ko pa

Nabitawan ko ang rosas kung dala
Dahil, nakita kung yakap-yakap niya
Ang lalaki na aking sinasabi
At holding hands pa sila sa may tabi

Umiyak ako at umuwi
Dahil pakiramdam ko’y, sinaktan niya ako ng paulit-ulit
Tinawagan niya ako at tinetext pa
Kaya naglakas loob akong magpakita sa kanya

Habang siya’y paparating
Ka holding hands yung lalaki sa dilim
Pinipigian  ko ang akins sarili
Baka kasi masuntok ko yung lalaki

“I would like you to meet my cousin” ang sabi niya
Na shock ako at napailing pa
“akala ko’y boyfriend mo siya?”
At nagtawanan nalang sila

Itinuloy ko ang aking balak
At bumili ako ulit ng mga bulaklak
Ngayon ay girlfriend ko na siya
At ang saya-saya talaga

Nagpapasalamat ako dahil may simbang gabi
At nakita ko naring ang babae na gusto kung makatabi
And I really feel so happy
And it’s all because of the simbang gabi love story.



No comments:

Post a Comment

Learn with my Failure: Things that you need to Consider when starting a business (Part I)

Last 2018, when my family decided to have our own family business. It's a Glass and Aluminum and Roll-up Door Installation business. But...