name="viewport" content="width=device-width, initial-scale=1"meta>" ORL'S NotePad: Hindi Tayo Para sa Isa’t-isa

Monday, December 12, 2011

Hindi Tayo Para sa Isa’t-isa



(kwentula ni: Orlan Doromal Tabuada Jr)
]

Dose anyos palang ng tayo’y naging magsyota
Pinigilan ko ang aking sarili dahil meron akong isang salita
Kaya naman ng naiwan tayong dalawa sa bahay ni Tita
Umiwas akong tumabi sayo dahil baka hidi ko makaya

Tinago natin sa ating mga kamag-anak at ating pamilya
Na ako at ikaw ay nagmamahalan na
Kasi naman, tayong dalawa ay magkamag-anak  pala
Kaya naman, iniwasan natin ang isat-isa

Limang taon tayong hindi nagkita
Dahil kinailangan nating maghiwalay para sa kanila
Kaya naman ng nalaman  ko na ako’y iiwan mo na
Hindi ako nagdalawang isip na itanan kita

Nagalit ang lahat sa atin ng tayo’y lumayo
Tiniis nalang natin at kailangan magtago
Oo masakit, pero mas hindi ko kakayanin
Kung mawala ka sakin at ang baby nating paparating

Ng ako’y naghahanap ng trabaho para mabuhay ko kayo
Meron tumawag sakin, at ang sabi “Hoy! Gago!”
Nabigla ako at kumaripas ng takbo
Akala ko kung sino, yun pala ang otol ko
Ilang saglit ay narealize ko
Na ang tinig palang iyon, ay galing sa otol ko
Binalikan ko sya kung saan ako nanggaling
Kaya lang ako’y minalas dahil wala na ang otol kung magaling

Unang gabi natin ng tayo’y nagsama
At ang pakiramdam ko ay ang saya-saya
Kahit saan man tayo magpunta
Magiging Masaya ako sa piling mo sinta

Dalawang buwan palang ng tayo’y nag live-in
Pero bakit kaya ang pakiramdam ko’y ayaw mo na sa akin
Madalas mo akong ina-away
Siguro’y gusto mo lang akong palaging nasa bahay

Nung una, ay naiitindihan pa kita
Pero ng naglaon ay, ako’y nasasakal na
Siguro nga’y totoo ang sabi nila
Na hindi madali ang maging batang ama

Kaya naman, ng ako’y lumuwas ng Maynila
Bigla mo akong tinawagan at sinabing “ako’y aalis na”
Ako’y nabigla sa iyong sinabi
At napaiyak na lamang sa isang tabi

Limang taon ang nakalipas
At yumaman narin ako sa wakas
Binalikan kita at ang ating anak
Kaya nga lang ako’y nabigla sa kanilang inulat

Namatay na ang babeng pinkamamahal ko
Sakit daw niya’y cancer sa bato
Yun pala ang kanyang naging dahilan
Kung bakit niyang naisip na akoy iniwan

Ngayon, malaki na ang anak natin
At naisip ko na siya ay dalhin
Sa tahanan na sana’y aming titirhan
At ikaw Hanna na lubos kung minahal

Siguro nga’y hindi kami para sa isa’t-isa
Kayan naman ay napagisip-isp ko na
Kailangan ko nalang pagtu-unang pansin
Walang iba, kung hindi ang prinsesa namin

***THE END***



No comments:

Post a Comment

Learn with my Failure: Things that you need to Consider when starting a business (Part I)

Last 2018, when my family decided to have our own family business. It's a Glass and Aluminum and Roll-up Door Installation business. But...